Ilang beses na nagbuga ng hangin si Bree. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga naganap kahapon. Napilitan siyang umabsent dahil na rin sa utos ni Jackson. She stayed at his apartment the whole day. Hindi siya nito hinayaan na umalis hangga't hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari. Ngayon lang niya naisip na pamba-blackmail pala ang ginawa nito sa kaniya! Again, she released a heavy sigh. Hindi alam ni Bree na kanina pa pala siya pianagmamasadan ni Chelle. Tahimik lang ito pero sinusundan nito ang bawat galaw ni Bree at pilit na binabasa amg ekpresyon ng mukha ng kaibigan. Chelle knew something was bothering her friend. Hindi nagtanong si Chelle dahil sigurado naman na hindi aamin si Bree. Pagkatapos nilang mag-bar noong nakaraang araw ay hindi pumasok ang dalaga kinabukasa