Tatlong araw na mula noong birthday party ni Lennox pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ni Bree ang mga nangyari. Parang nakaukit ang mga iyon sa utak niya ay ayaw mabura kahit na ano pang gawin niyang trabaho. At nahalat iyon ng mga taong nakapaligid kan’ya. Wala sa sarili na naghihiwa ng karneng manok si Bree para sana sa hapunan nila nang muntik na niyang mahiwa ang sariling daliri. Doon na parang natauhan si Bree. Hindi na rin niya namalayan nas pumasok pala sa kusina si Niel at karga nito si Lennox. Tatlong araw na siyang nandito sa isla. Bree thought that staying in her house in the city overwhelmed her so much. Kasi kahit saan siya tumingin pakiramdam niya ay nakikita niya si Jackson. Naiinis na siya sa sarili. “Hey, are you all right?” nag-alalang tanong ni Niel. nakita k

