Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay kay miss Cindy. Halos hindi na ako humihinga kakatitig sa glass door ng cubicle namin ni Chelle dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Namamawis na ang noo at palad ko at pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga ngayong araw.
Katapusan mo na talaga! Sa tingin mo ba palalampasin ni sir Kax ang ginawa mo?
Gusto kong bulyawan ang isang bahagi ang utak ko na palaging kontrabida. Kung anu-ano na lang ang sinasabi nito na nagpapawala ng tiwala ko sa sarili.
Paano kung magdedemanda si sir Jax? Diyos ko po, saan ako kukuha ng pera para doon? Paano kung patatalsikin ako sa trabaho? Malaki siguro ang sisingilin nito sa akin dahil muntik na masunog ang bahay nito.
Nasapo ko ang sariling noo. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko, at sigurado naman ako na mangyayari ang isa sa mga iyon.
Narinig kung nagbuga ng isang malalim na hininga si Chelle. Pati siya ay hindi rin mapakali. Pareho namin hinihintay si miss Cindy na makabalik, kinakausap pa nito si sir Jax sa opisina tungkol sa nangyari kahapo. Nahihiya nga ako kay miss Cindy dahil palagi na lang niya akong pinagtatanggol kung may nagagawa akong kabulastugan.
Pinuno ko ng maraming hangin ang aking baga bago mabigat na ibinuga iyon. Gusto ko na lang maglaho at maging tae sa totoo lang.
“Bakit naman kasi pinakialaman mo pa iyong kusina ni sir? Alam mo naman na kontrabida ka sa paningin no’n.” Tunog paninisi si Chelle. Kung si miss Cindy ay palaging handa akong isalba, ito namang kasama ko ay palaging naninermon kapag may nangyaring hindi maganda.
Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit kahit anong gawin ko ay palagi akong may kasalanan kay sir Jax. Itong nangyari kahapon ang pinakamalala talaga.
Mas lalo lamang akong kinabahan nang maalala ko ang nangyari kahapon. Mabuti na lamang talaga at hindi lumaki iyong apoy at naapula ni sir bago pa man nito malamon ang buong kusina. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling lumaki ang apoy na iyon. Isangdaang porsyento na sa kulongan ang bagsak ko.
Naiiyak ko siyang tiningnan. Hindi na sana ako papasok ngayong araw dahil sigurado ako na wala na akong trabahong dadatnan sa opisina. Wala ng pag-asa na maayos ko pa ang kasalanan ko pero tinawagan ako ni miss Cindy at pinapa-report. Nagdalawang-isip talaga ako kung pupunta ako o hindi. Ayokong makita ang galit ni sir Jax.
“Gusto ko lang makatulong, okay? Ang kalat kasi ng bahay niya at halatang may hang over kaya nagmagandang-loob akong lutuan siya ng pagkain. At saka, nakakaawa kasi siyang tingnan habang natutulog sa sofa na kan’yang bahay at napapalibutan siya ng mga bote ng alak. E, kung hindi niya ako kinaladkad palabas ng kusina ay hindi ko maiiwan ang niluluto ko!”
Kahit nakonsensya ako sa nangyari ay hindi ko rin maiwasan na sisihin si sir. Wala naman akong masamang intensyon doon sa kusina ng asawa niya. Siya itong bigla na lamang akong hinila palabas kahit na may ginagawa pa ako! May kasalanan din siya!
“Hayaan mo na, sana lang talaga maisalba ka pa ni miss Cindy. Ang sama ng timpla ng mukha ni sir kanina. Nakakatakot talaga siya, Bree. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera aalis talaga ako dito. Iyong ibang kasamahan natin kanina sa ibaba ay nabulyawan ni sir, parang maiihi na si Lexi kanina sa takot!”
Gaoon din naman ako. Gipit lang kaya nagtitiyaga ako ugali ni sir. Kaya siguro malaki ang pasahod nila dito dahil kapalit niyon ang pagtitiis sa masamang ugali ng boss namin. Kailangan ko ng pera para sa susunod na pasukan, kaunti na lang at makakagraduate na rin ako sa kolehiyo at matutupad na ang mga pangarap namin nina nanay at tatay.
Muli akong huminga ng malalim, sana naman ay magandang balita si miss Cindy.
Napatuwid ako ng upo nang makita si miss Cindy na pumasok sa loob. Patayo ako at nanlaki ang mga mata ng makita siyang seryosing nakatingin sa akin. Napalunok ako bigla. Napatingin ako kay Chelle na mukhang kinakabahan din at tulad ko ay naghihintay din kung ano ang sasabihin nito.
Walang emosyon ang mukha ni miss Cindy kaya hindi ko alam kung ano ang resulta ng pag-uusap nila ni sir Jax. Wala rin naman sinabi si miss Cindy sa akin, kung ipagtatanggol niya ba ako o ano noong tumawag siya. Ang utos niya ay pumasok lang ako ngayon araw at maghintay sa cubicle namin, at iyon ang ginawa ko.
“You owe me your life, Ms. Ocampo. Mr. Samaniego wanted to press charges against you since you caused the fire on some parts of his mansion. Also, he wants you out of the company and makes you pay a huge amount of money for the damages done.”
Sigurado akong nawalan ng kulay ang buong mukha ko sa sinabi ni miss Cindy. Napasinghap si Chelle na nasa likod ko nang marinig iyon. Hindi ko mapigilan na kagatin ang pang-ibabang labi ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! I'm doomed! Gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig. Ang unfair naman no’n! Pero walang salita ang lumabas sa bibig ko, nakatulala lang ako kay miss Cindy habang unti-unti nanubig ang mga mata.
Mawawalan na nga ako ng trabaho, nadedemanda pa ako! Saan ang hustisya doon?
Napataas ang kilay ni miss Cindy nang makita ang reaksyon ko sa sinabi niya. Hindi man lang nakitaan ng awa ang mukha niya.
Tumikhim siya bago muling nagsalita. “Luckily, I was able to convince him to just let it slide and give you a chance to redeem yourself. Mr. Samaniego is not always lenient, miss Ocampo. I hope this incident will serve as a lesson to you. Never mess with someone else’s property.” Matigas niyang sabi. Nakatitig pa rin siya sa akin.
Hindi ako makapagsalita sa huli niyang sinabi. Totoo ba iyong naririnig ko? Binibigyan ako ng isa pang pagkakataon ni sir Jax? Hindi na ako madedemanda at hindi na rin masisisanti sa trabaho? Ilang beses akong napakurap sa harap ni miss Cindy.
“Talaga po, miss Cindy?” Nag-uumapaw na ang tuwa ko. Ang buong akala ko talaga ay katapusan ko na ngayon araw! Gusto ko ulit maglupasay sa sahig pero sa sa tuwa na at hindi na sa sobrang sama ng loob.
Pero malaki talaga ang pasasalamat ko kay miss Cindy dahil kahit papaano ay hindi natuloy ang pagdedemanda ni sir Jax sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nangyari iyon.
“Maraming salamat, miss Cindy. Kasalanan ko naman kasi iyon. Kung hindi ako pakialamera, hindi mangyayari iyon. Ang laki po ng utang na loob ko sa inyo.” Nakakalungkot kung mapapaalis ako dahil sa loob ng mahigit tatlong buwan kong pagta-trabaho dito ay napamahal na sa akin ang mga kasamahan ko.
“Hindi pa ako tapos,” walang gana niyang. “I told him not to fire you since we are short of employees, especially now that the annual ball is fast approaching. You will be put on probation for a month. Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kabulastugan. Huwag mo akong ipapahiya. And also, you will be transferred to the team in-charge in the annual ball. Doon ka muna para hindi ka masyadong napag-iinitan ni Mr. Samaniego.”
Iyon lang ang sinabi niya bago nilisan ang cubicle namin ni Chelle.
Isang matinis na tili ang kumawala sa bibig ni Chelle nang tuluyan ng maisara ang pinto. Napatalon pa ito at bigla na lamang akong sinunggaban para sa isang mahigpit na yakap. Niyugyog niya ng malakas ang balikat ko.
Hindi pa rin nag sink-in sa akin ang tungkol sa sinabi ni miss Cindy. Hindi akong makapaniwalang pumayag si sir Jax na hindi ako sisantihin. Sa ugali kasi niya na walang sinasanto ay mukhang malabo na bigyan ako ng isa pang pagkakataon.
Napatingin ako ni Chelle ng bigla siyang nagtititili na parang baliw. Namumula rin ang mukha niya.
“Sinasabi ko na nga ba! May kung ano iyang si sir sa’yo, girl! Ang dami ng sinisanti niyan noon. Kaunting mali pero sisanti kaagad, walang patawad kahit pa nasa mataas na posisyon ang may sala. Pero ikaw ilang beses ng nagkasala sa kan’ya pero nandito ka pa rin! Hindi mo ba talaga nakikita iyon? Ha?” Nanlaki ang mga mata niya na parang may nadiskubre siyang isang mahalagang bagay.
Napilitan akong bumitaw sa pagkakayakap kay Chelle at hinampas ang braso niya. Napaiktad siya dahil hindi niya inasahan na ginawa ko.
“Ano ka ba!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata sabay lingon sa likod ko para siguraduhing nakalabas na talaga si miss Cindy. Muli kong binalingan si Chelle na ngayon ay nakabungisngis na. “Tumigil ka nga d’yan sa mga iniisip mo. Mas maniniwala pa akong may something kina sir
Jax at miss Cindy. At hindi ko papangarapin na may gusto iyang si sir sa akin. Hello? Ang sama kaya ng ugali no’n!”
“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle.
Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon?
Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi.
Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin?
“Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratuhin ng boss namin.
Nasa ika-30 na palapag ang opisina ni sir Jax kaya nandoon din ang cubicle namin. Sa katunayan ay nandoon ang buong team na nagha-handle sa lahat ng transactions ni sir. Kami ni Chelle ang mas malapit sa opisina mismo ng CEO at katabi sa opisina ni miss Cindy. Mayroong glass partition ang cubicle namin ni Chelle kaya hindi masyadong naririnig ang pinag-uusapan namin sa labas, gano’n din kay miss Cindy na executive secretary ni sir.
Habang naglalakad ako patungong elevator ay nakasalubong ko si Elise Trinidad, ang anak ng presidente ng Pilipinas. Sandali akong natigilan at piangmasdan ito mula ulo hanggang paa.
Maarte itong naglalakad habang nakataas ang noo. Napatingin ako sa suot niyang damit. She wore a very sexy dress in red with a thin spaghetti strap. Hindi lingid sa kaalaman namin na patay na patay ang babaeng iyon kay sir Jax. Kahit na medyo malaswa ang suot nitong damit dahil kaunti na lang ay luluwa na ang malalaki nitong dibdib ay hindi pa rin maikakaila na magaling itong magdala sa sarili. She looked sexy but classy.
Napataas ang kilay ko sa suot nitong damit, halatang inayos niya talaga ang sarili para maakit si sir Jax. Kaunting hila na lang kasi ay luluwa na talaga ang dibdib nito at kaunting yukod ay sigueadong makikita na ang pwet nito. Napailing na lamang ako. Iba pa rin talaga ang karisma ni sir kahit na masama ang ugali.
“Masungit pa rin siya kahit na guwapo kaya ekis pa rin,” bulong ko sa sarili bago sumakay sa elevator.
Pagkabukas ng pinto ng elevator ay kaagad na sumalubong sa akin ang isang batang babae na sumihinghot habang pinapahiran ang pisngi nitong puno ng luha. Natigilan ako sa nakita. Kaawa-awa ang itsura nito habang nakaupo sa isang gilid. May mga taong dinadaraanan lamang siya at hindi man lang pinapansin.
Kaagad ko itong nilapitan at tumalungko ako sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin. Hindi siya nagsalita nang makita ang ginawa ko. Patuloy lamang ito sa paghikbi. Her nose was red and her eyes were full of tears. Namangha ako sa ganda ng bata.
Ngumiti ako sa kan’ya. “Hi. Bakit ka umiiyak?” Sinigurado ko rin na malambing ang boses ko para hindi matakot ang bata.
She was dress in a frozen-themed gown with a small tiara on top of her messy hair. Tantiya ko ay nasa pitong taon ang batang ito base sa laki niya.
Mas lalo lamang itong ngumawa nang magtanong ako. Nataranta ko itong niyakap para tumahan.
“I want my daddy, I can’t find him.” Suminghot ito at ang mga luha ay patuloy na tumutulo.
Nakadam ako ng awa sa sinabi nito. Nasaan na ba ang ama ng batang ito? Wala bang nagbabantay sa kan’ya? Marami pa naman mga masasamang loob ang naglipana sa paligid.
“Tahan na, baby. Tutulungan ka ni ate. Nawawala ka ba? Kasama mo ba ang daddy mo dito?” Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman itong ibang kasama. “Ano ba pangalan mo para matulungan kita?”
“My grandma said I should not talk to strangers. I don’t know you po, ate kaya you’re a stranger.” Sagot nito sa paggitan ng paghikbi. Pinahid nito ang basang pisngi.
Diyos ko po, englisera pala itong batang ito. Mapapasak ang pang-kanto kong englis dito. Sana naman nakakaintindin ito ng tagalog. Gusto kong mapakamot sa buhok ko pero pinigilan ko ang sarili.
Bigla nag-alburuto ang tiyan ko tanda ng matinding gutom. Hindi ako nakapag-almusal kanina dahil hindi ako mapakali. Ngayon lang ako nakadama ng gutom. Pero tutulongan ko muna itong bata na mahanap ang ama niya.
“Paano kita matutulungan niyan kung hindi mo ako kakausapin? Nawawala ka ba? Saan na nanay mo?” Ngumiti ako ng matipid sa kan’ya. Diyos ko! Ang gandang bata naman nito!
“I was just wandering and I lost my yaya. I'm here to visit my dada po kasi dahil na-miss ko na siya.” Lumabi ito na parang nagtatampo pa sa ama.
Napatango na lamang ako. So, hinahanap ng batang itong ang ama niya. Kahit na nagugutom na ako at gusto ko ng kumain, hindi ko naman maiwan ang kawawang bata. May kung anong humaplos sa puso ko. Napakaamo kasi ng mukha nito, dagdagan pa ng pag-iyak nito. Parang nakikita ko ang sarili ko na namimiss na ng husto ang mga magulang.
“Sino ba ang papa mo? Para mahatid na kita sa kan’ya.” Sinuklay ko ang magulo nitong buhok. Mukhang may lahi ang batang ito dahil kulay brown ang buhok nito at mga mata ay kulay abo, parang pamilyar pa sa akin ang mga mata nito.
Nag-isip pa ng ilang segundo ang bata, parang nag-iisip kung maniniwala pa ito sa akin o hindi. Muli nito pinahid ang pisngi na may kaunting luha pa na natira.
“Ang papa ko ang may-ari ng building na ito.” Nakahinga ako ng maluwag, marunong pala talaga magtagalog.
Natigilan ako sa narinig. Tama ba iyong narinig ko? Hindi ba ako nagkamali ng dinig sa sinabi nito? Napatitig ako sa mukha ng batang babae. Napaawang ang bibig ko nang matanto na anak pala ni sir Jax itong bata. Mayroon talagang resemblance sila ni sir Jax. Ang mga mata nito ay kaparehas sa kulay ng mata ni sir na kulay abo, kaya pala parang pamilyar ang itsura nito.
“Alam mo, kilala ko ang papa mo. Isa ako sa mga sekretarya niya at puwede kitang tulungan na makapunta sa opisina niya. Gusto mo ba iyon?” tanong ko sa bata. “Ano pala pangalan mo?”
Pinahid muna nito ang tuyo na pisngi bago nagsalita. “My mom named me Amythyst, derived from her birthstone.”
Noong una ay parang nag-alinlangan pa ito. She looked at me. Hindi ako makakilos at nahigit ko ang hininga nang magtagpo ang mga mata namin, para kasing si sir ang nakatitig sa akin. Kuhang-kuha ng batang ito ang mata ng ama kaya para na rin akong nakipagtitigan kay sir Jax, at dahil doon ay ramdam ko ang biglang pag-iinit ng aking pisngi.
Shuta ka, Bree! Nagpapadala ka na sa mga sinasabi ni Chelle sa’yo!
“Are you sure you’re not one of the bad guys? My dad will punish you if you lied, he hates liars.”
Nagumiti ako at pinahid ang natirang luha sa gilid ng mata nito. Sinuklay ko rin gamit ang mga daliri ko ang nagulo niyang buhok at inayos ang tiara sa tuktok ng ulo nito, hinayaan lang din niya ako sa mga ginawa ko.
Itinaas ko ang kanang kamay bago nagsalita. Ipinakita ko rin sa kan’ya ang company ID na nakasabit sa leeg ko. “Promise, I'm not one of the bad guys. Let’s go?” Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa kan’ya.
“Okay po, I trust you.”
Amythyst took my hand. Napangiti ako dahil ang cute ng kamay niya kumpara sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala na may anak si sir Jax na ganito ka-cute, at sweet pa.
Nagpatianud si Amy sa paghila ko. Bumalik kami sa ika-30 palapag. Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit kami sa opisina ni sir Jax, may atraso pa ako sa kan’ya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kaharap ko na siya. Hindi pa dapat ako magpapakita sa kan’ya pero ano naman ang gagawin ko dito sa bata? Alangan naman na iwan ko lang itong mag-isa doon, baka mapahamak pa ito at ako na naman ang sisisihin.
Gusto ko na lang talaga tampalin ang noo ko. Ngayong linggo ay puro na lang yata kapalpakan ang ginagawa ko, hindi ko naman sinasadya ang mga iyon at ingat na ingat na nga ako pero talagang trip yata ako gambalahin ng kamalasan.
Nasa tapat lang naman ang cubicle namin ni Chelle sa CEO’s office, siguro si Chelle na lang ang uutusan ko na maghatid nitong bata.
Tama! Iyon na lang ang gagawin ko para hindi na ako makita ni sir Jax, mahirap na.
Itutulak ko na sana ang glass door ng cubicle namin nang biglang may nagsalita sa likod ko.
“What the f**k are you doing?” Mababa ang boses nito pero puno iyon ng pagbabanta kapag hindi ko masagot ng maayos ang kan’yang tanong.
Hindi ako makagalaw nang makilala ko ang boses na nagsalita sa likod ko. Tumigil yata ang baga ko sa pagbuga ng hangin at ang puso ko ay tumalon na yata palabas sa ribcage ko! Diyos ko!
“Daddy!”
Matinis ang boses ni Amy at bigla nitong hinila ang kamay na hawak ko. Nakagat ko ang sariling labi dahil ayoko kong humarap kay sir Jax. Presko pa sa isip ko ang mga nangyari kahapo, naghalo ang guilt at takot sa puso ko, samahan na rin ng hiya.
“Why are you with my daughter? Are you planning to do?” Ngayon ay mapanganib na nag boses niya.
Doon na ako humarap sa kan’ya. Tunog pang-aakusa na siya at hindi ko mapigilan na makadama ng inis. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay bigla yata umurong ang inis ko. Nagbabaga ang mga mata nito, kitang-kita ko ang galit at panghuhusga sa mata niya habang nakatitig sa akin.
Napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot talaga ang itsura ni si Jax.
“Ano po kasi... nakita ko po si Amy na umiiyak doon sa ibaba, kaya tinulungan ko siya na makabalik dito. Ang sabi kasi niya nawawala raw siya.” Maliit ang boses ko, parang takot na kuting.
“Daddy, is she your secretary? She helped me find you again! I like her already!” deklara ni Amy.
Kaagad na bumaling si Jax sa anak at kinarga ito. Ngayon ay kitang-kita na talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa. Amy is the softer version, while sir Jax is the monster version.
Ang mabangis niyang mukha kanina habang nakatingin sa akin ay napalitan ng maamong mukha ngayong nasa bata na ang tingin nito. Namangha ako sa biglaang pagbabago ng kan’yang facial expression.
“Really? She didn’t do anything to you?” Nagdududa itong tumingin sa gawi ko.
Umiling lang ang bata at inilibot ang maliliit nitong mga braso sa leeg ni sir. “Nope, she’s kind and I like her already. Can I take her home with me? I want her to be my friend. Wala kasi akong friends.”