“Did I just hear you talking about me?” Gulat na napabaling ang mga ulo nina Bree at Chelle nang marinig ang boses ni Niel. Bumaba sa hagdanan si Niel at karga pa nito si Lennox na nakayakap sa leeg ng lalake. Natahimik ang dalawang babae at tanging mga mata lang nila ang nagsasalita. Umiling si Chelle at hilaw na ngumiti si Bree. “Napag-usapan lang namin ang tungkol sa pagbili nitong si Bree doon sa resort ns sinasabi n’yo.. Mukha kasing walang tao sa lugar na iyon. Hindi ba’t mas maganda bumili sa mga tourist spot kagaya ng palawan?” Bumalik si Chelle sa niluluto nito habang si Bree naman ay inabala ang sarili sa paggawa ng kape sa coffee maker. Muntik na silang mahuli ni Niel na pinag-uusapan si Jackson. Alam naman ni Niel ang tungkol sa nangyari sa kan’ya noon, pero hindi ni