ARAW NG LINGGO AT nagsimba sina Zenna at Nathaniel. Kahit hindi iniimik ng dalaga si Matthew ay panay pa rin ang asikaso sa kaniya. Kapag may morning sickness ay agad siya nitong dadaluhan at aalalayan. Kada umaga rin, paggising niya ay may pagkain na sa silid. Handa na rin ang pampaligo niya sa banyo, mga gagamitin sa pagligo at kung ano-ano pang kailangan ni Zenna, nandiyan at nandiyan lagi si Matthew para tulungan siya. Akala nga ni Zenna ay hindi ito sasaman sa kanilang mag-ina para magsimba. Pero nagulat na lamang siya nang nauna pa itong nakagayak at sumakay sa kotse. Nang matapos silang magsimba ay nag-aya itong dumaan muna dila sa playground para makapaglaro si Nathaniel. Hindi na siya nagprotesta. “ Gutom ka na ba? ” pagkuwa'y tanong nito nsnv mapansing nakatitig siya sa mga