MATAMANG TINITIGAN ni Matthew si Zenna. Nagtataka siya kung bakit tulog ito nang tulog at parang wala itong gana nitong mga nakaraang araw. Nag-aalala siya pero matigas ang desisyon ng dalaga na hindi magpapatingin sa doktor. Nagtataka na siya kung bakit ayaw nito. “ Matt... ” mahinang tawag nito. Napakunot-noo siya. Akala niya ay tulog ito pero bahagya itong nagmulat at hinawakan ang kamay niya. “ Hey, sweetheart. Hindi ka ba matutulog? ” “ I can not sleep. Iniisip ko ang kuwento ni Mama. ” Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. “ Ano'ng tungol sa kuwento ni Mama? ” Mataman siyang tinitigan ng dalaga. Waring tinatantya ang reaksyon niya. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang namumutlang mukha ng dalaga. “ You make me worry, Zenna. You looked pale. ” “ Paano kayo na-engag