AGAD NA SINUGOD NG YAKAP ni Zenna si Matthew nang pumasok ito sa silid kung saan siya ikinulong. Pero wala itong naging reaksyon. Hinawakan siya nito sa balikat at bahagyang inilayo sa kaniya. Walang emosyong tinitigan siya nito sa mga mata. “ Matt... ” Hindi ito ang ini-expect niyang reaksyon ng binata. Ngunit naiintindihan niya ito. Puno ng mga CCTV ang bahay na ito, ganoon din sa kuwarto kung saan siya ipiniit. At batid niyang may nanonood sa kanila ngayon. “ Zenna, always remember I only love you, ” pabulong nitong wika. Banaag ang tunay na emosyon nito sa mga mata ng binata nang sabihin iyon. Tumango siya. Pinigilan ang luhang gustong umagos mula sa mga mata. “ I love you, too, Matt. ” “ Pero kailangan na nating putulin ang ating ugnayan ngayon din, Zenna. I-I will marry