“ Ate, may delivery ka raw po. ” Abala si Zenna sa harap ng sketchpad sumungaw si Lilet mula sa nakaawang na pinto. “ Anong delivery daw iyon, Lilet? ” tanong niya habang patuloy pa rin sa pag-sketch. “ Ewan ko, ate, naka-address naman sa iyo, ” sagot ni Lilet, tumuloy sa loob ng silid, dala ang isang maliit na box na anito ay package para sa kaniya. “ Ang kuya mo, di pa ba dumating? ” Sinulyapan niyang orasang nasa ibabaw ng mesa. Alas-cinco na ng hapon. Dati-rati ay maaga itong dumarating, mga alas-cuatro ay nasa bahay na. Ngayon lang ito inabot ng alas-cinco mula sa trabaho. “ Wala pa, ate. ” Inilapag ni Lilet ang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa niya. Naagaw no'n ang kaniyang atensyon. Agad kumunot ang noo niya nang makita ang walang nakasulat sa label kung saan galing