NAGISING SI ZENNA sa isang hindi pamilyar na silid. Muli niyang naalala ang huling pangyayari bago nawalan ng malay. Kitang-kita niya ang pagtutok ng baril sa kaniya ng isang lalaki at ang pagtakbo ni Robert patungo sa kaniya. The bullet was aimed for her, pero sa halip ah si Robert bang nakompromiso. Ang pulang likido na sumirit sa dibdib nito ng bago ito natumba ang labis na nagpakaba sa kaniya. Gusto niya itong takbuhin at tulungan pero biglang nagdilim ang paningin niya at bumagsak sa mga braso ng lalaking kasamahan ng bumaril kay Robert. Ngayon ay nasa panganib na ang buhay niya. Dinukot siya ng mga hindi kilalang tao. At si Robert, ano na kaya ang lagay ng binata? Kinapa niya ang mobile phone sa bulsa niya at tinawagan si Matthew. Napapikit siya nang mariin nang maalala ang da