CHAPTER 5

1622 Words
CHAPTER 5: MMWA YUNIKA's P.O.V Agad akong nagpunta sa clinic ng makita ko na nakaoxygen mask si Wieran at nakapikit ito. Hindi ko alam kung ba't bigla na lang nangilid ang luha ko. "L-lucan... R-rigo, o-okay lang naman si Wieran di ‘ba?" mahinang sabi ko at nakita ko din kasing nakaupo sa gilid ni Wieran si Akesiah kaya lalo kong nainis. "Oo okay na sya kaya wag ka na mag-alala okay." sabi ni Lucan saka ginulo ang buhok ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kabilang gilid ni Wieran at tinitigan s’ya at gaya kanina ay namumutla pa din s’ya. "Lucan ano bang sakit ni Wieran?" biglang tanong ko at nakita ko naman na napaiwas sila ni Rigo ng tingin sa’kin. "A-ano... Kinapos lang sya ng hininga kanina kaya s’ya nanghina." sabi ni Lucan. Umupo ako sa may upuan sa harap ni Wieran saka sya tinignan. Kahit nakapikit s’ya ang gwapo niya pa din at sobrang puti n’ya at ang tangos ng ilong niya. Napangiti ako at nagulat ako ng makita ko na dumilat na s’ya at napalingon sa’kin. Parang hinahabol ang puso ko dahil nakita kong bahagya s’yang ngumiti. Maya-maya pa’y dahan-dahan s’yang umupo at tinanggal ang oxygen mask at may binigay naman sa kanya na tableta si Lucan at ininom nya naman yun dahilan para mawala ang pamumutla nya. "W-wieran, ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong ko sa kanya. Huminga s’ya ng malalim at saka muling tumingin sa akin. "Maayos naman talaga ako kasi okay ka at sa susunod subukan mo na mag-ingat para di kana madisgrasya." Nakakaloko na sabi nya saka tumayo at naunang lumabas ng clinic. Napanguso ako sa sinabing ‘yun ni Wieran kaya naman bumalik na kami sa room at pagbalik namin doon ay saktong dumating na din si Ma'am. Subject naman namin ngayon ay Filipino kaya naman nakinig na ‘ko sa sasabihin ni Ma'am Perez. "Okay class dahil magsisimula na ang mga klase ay binalak ko nading mag-assign nang gagawin nyo, 50% nang grade nyo ang nakasalalay dito at pipili ako ng may pinakamagaling na grupo na pagtatanghalin ko ng live sa theater sa susunod na linggo at ang mga tatawagin ko ang magiging magkagrupo." paliwanag ni Ma'am saka nagsimulang magtawag. "Vienna, Matador, Lucia, Veronica, Xivir at Yttrium." tawag niya sa apilyedo ko kaya naman ang saya ko! Yes! Yes! Magiging kagrupo ko si Wieran! Muli pang nagtawag si Ma'am at ng matapos sya ay muli syang nagsalita. "Kayo ang mamimili ng story n’yo pero sa mga Disneyland Princess stories kayo mamimili at naisip ko kasing kung nakakakilig ang ipe-perform ay mas magsisigla kayo sa pag-eensayo, ‘yun lang. Magpunta na kayo sa mga grupo n’yo at pag-usapan n’yo kung sinu-sino ang magiging magkapareha at anong istorya ang mapipili n’yo." Umupo ako tabi nila Lucan at Wieran, at dahil dun ay napangiti ako. "Bale ang napili ko na storya ay yung kay Snow White at gusto ko na kayo nalang ang bahalang pumili sa magiging prinsipe at magiging si Snow White." saad ni Akesiah kaya naman tumikhim ako at nagtaas ng kamay. "Pwede bang ako na lang ang aaktong si Snow White?" nakangiting sabi ko pero tiningnan lang ako ng mga ka-grupo namin na babae. "Alam mo Akesiah, mas bagay sayo na mag Snow White ka kasi maputi ka at mukha kang prinsesa dahil sa kagandahan mo." sabi ni Lucia. Kaya naman inirapan ko sila. Oo maputi si Snow White, ako na morena pero maiksi naman ang buhok ko kaya bagay ako na mag Snow White! "Mahaba ang buhok ni Akesiah!" reklamo ko at nakita ko naman na nagtawanan sila. "Okay lang pwede naman akong bumili ng wig." sagot naman ni Akesiah. "Wieran ikaw naman magiging prinsipe dahil ang guwapo mo saka ang kisig mo." sabi naman ni Veronica. "Ganun ba sige," pagsang-ayon naman ni Wieran kaya nakasimangot ko s’yang tinignan at nakita ko naman na kunot-noo s’yang napatingin sa ‘kin. "Hindi sila bagay!" bulong ko. "May sinasabi ka ba diyan, Yunika?" tanong ni Akesiah sakin kaya naman umirap ako sa hangin. "Wala ang sabi ko ako nalang yung tagapagsilbi!" sabi ko na lang at napalingon naman ako kay Lucan na parang ang lalim ng iniisip kaya kinalabit ko siya. "Ayos ka lang ba loko?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman s’ya saka ginulo ang buhok ko. "Class dismissed!" anunsiyo ni Ma'am kaya naman agad kaming bumalik sa mga seat namin. Naunang lumabas si Rigo at Lucan kaya naman binilisan ko na ang pag-aayos ng gamit ko. "Ako dapat si Snow White eh, nakakainis!" bulong ko sa sarili ko ng maramdaman kong may tao na nakatayo sa likod ko kaya naman napaharap ako sa likuran ko. "Wag ka mag-alala mas maganda ka kay Snow White." nakangiting sabi ni Wieran saka lumabas ng room at dahil sa narinig ko ay para ‘kong lantang gulay na napa-upo sa seat ko. S-shet! Mas maganda daw ako kay Snow White?! S-sino ba kay Akesiah ba o sa totoong Snow White? *** "I'm home!" sigaw ko nang makauwi na ‘ko sa bahay at agad naman akong sinalubong ni Mommy. "Yunika anak may balita ako sayo!" sabi ni Mommy kaya naman nilapag ko muna ang bag ko saka ko umupo. "Ano po ‘yung ibabalita n’yo sa akin?" tanong ko naman sa kanya at nakita ko naman na ngumiti si Mom. "Yung step brother mo magta-transfer daw sa school mo." nakangiting sabi ni Mom kaya naman nanlaki ang mata ko. "Totoo Mom? Hala! Masaya ‘yun, don't worry Mom ako ang bahala sa kanya pag nakapagtransfer na s’ya." sabi ko at nang matapos ang pag-uusap namin ay nagpasiya na ‘ko na kumain at saka pumunta sa kwarto ko para matulog. Napahiga ako sa higaan ko at napatili dahil naalala ko ang masasayang nangyari sakin sa loob ng araw na 'to at di ko namalayang nakatulog na pala ako. *** Kinaumagahan ay maaga akong nagpaalam kay Mommy napapasok ako sa school. Nagmadali akong pumasok sa room dahil aaralin pa pala namin ni Lucan ang report na gagawin naming para mamaya. Nadatnan ko naman na binabasa ni Lucan ang irereport namin kaya nagpasya kong ilabas ang kopya ko ng makita kong nawawala yun sa bag ko! Nilabas ko na lahat ng gamit ko kaya naman nakaramdam na ‘ko ng kaba! Hala paano ko makakapagreport kung wala ako ng copy ko?! "Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Wieran ng tumigil ako sa paghahanap at napatingala sa kanya. "Y-yung review notes ko kasi nawawala." sabi ko sa kanya dahilan para mapanguso ako at nagulat na lang ako ng ilapag nya ang notebook n’ya sa table ko. "Para saan ‘yan?" takang tanong ko sa kanya at nakita ko naman na napangisi s’ya ng marahan. "Edi note book, ano pa ba? Tsk, ‘yan ang reviewer na ginawa ko para sayo alam ko kasing di ka makakapasa sa report kaya gumawa ko ng reviewer na mas madadalian ka pag inaral mo ‘yan." sabi niya saka bumalik sa seat niya. Napahawak ako sa notebook niya ng may ngiti sa labi saka ko inisa isang ibalik ang mga gamit ko sa bag at nagsimulang magreview. Di ko maiwasahang humanga sa handwriting n’ya kasi parang babae ‘yung nagsulat at saka kahit maliit lang ang sulat niya ay maiintindihan mo talaga. Maganda din akong magsulat pero mas maganda talaga ang sa kanya. Nang pumasok na ang History teacher namin ay nagsimula ng magreport ang bawat grupo. Nagreport din sila Wieran at Akesiah at nakakahanga lang dahil lahat ng itanong kay Wieran ay nasasagot n’ya nang maayos. Kaya nung kami na ang nagreport ay di na ‘ko kinabahan dahil naintindihan ko ang report namin. Naging successful ang reporting namin at nakakuha kami ng perfect score kaya ng tumingin ako kay Wieran ay ngumiti ako sa kanya at tinanguan niya lang ako. "Guys wala daw si Mrs. Ramos ngayon kaya pwede tayong magpractice ng roleplay sa labas." sabi ni Akesiah kaya naman lumabas kaming lahat ng room. Nakasunod naman ako kay Wieran papunta sa umbrella at ng makarating kami dun ay nagsimula na silang i-arte ang mga role nila. Simple lang naman kasi ang gagawin ko dahil tagapagsilbi lang ako. Nilaro ko lang kamay ko at saka ko tumingin tingin sa paligid dahil sa pagkabagot ko. "Psst!" sisit sakin ni Wieran kaya napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng may i-abot s’ya sakin na paper bag kaya kinuha ko naman ‘yun. "Para sa akin ba ito?” takang tanong ko dahilan para mapakamot s’ya ng ulo at nahihiyang tumingin sa ‘kin. "Pinag-aralan kong magbake ng cookies, ginawa ko ‘yan kaya kainin mo kasi di na ‘ko magbebake ulit pag nilait mo ‘yung lasa ng gawa ko." seryosong sabi n’ya saka bumalik sa pagpapractice. Nagpipigil ako ng kilig saka ko kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko. Binuksan ko yung paper bag at nakita ko ang tupperware na puno ng cookies. Kumuha ako ng isa at nang tikman ko ‘yun ay halos lumuwa ang mata ko sa sarap! Napatingin ako sa loob ng paper bag dahil nakita kong may note s’ya sa loob. Dear Yunika,     Tumigil ka na sa kasisimangot mo dahil pumapangit ka talaga. First time ko mag bake kaya sana naman nagustuhan mo yung lasa.                                                                                         Love,                                                                                        Wieran the great Wieran kahit kailan ka talaga di mo ako nabibigong pakiligin ako kaya kita nagugustuhan lalo eh! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD