ZOEY POV. WALANG pagsidlan ng ligaya ang aking puso. Kahit mahirap maging single mom basta nakikita ko lamang silang dalawa na healthy ay sapat na sa akin yon. At sana nga ay wala ng maging problema sa aking anak na si Calvin. “Lexus, ano na naman ba ang mga pinamili mo baka naman sa mga bata na nauubos ang yong income?” “Huwag mo iyong isipin at kahit mapunta pa sa kanilang dalawa ay ayos lang dahil masaya ako sa aking ginagawa. Kaya hayaan mo na lamang ako dahil para talaga sa kanila ang lahat ng ‘to. At syempre ito naman ay para sayo, Mommy. Dahil malapit na ang birthday mo at isa yan na regalo ko sayo.” Isang paper bag ang inabot niya sa akin, isang Chanel bag iyon. At hindi ko na naman mapigilan maging emotional. First time kong nakatanggap ng regalo na bag at ganito pa kamahal.