KYLE POV. HINDI ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon umagang nagising ako. Meron mga regalo sa aking tabi. At nang aking basahin yon ay saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayon. And for the first time in my life, ngayon ko lang na-feel ang aking kaarawan. Gusto kong buksan iyon pero meron note na bawal daw at mamayang gabi ko pa maaaring buksan sa huling oras ng aking kaarawan. Damang dama ko ang pagmamahal ng aking mag-iina sa akin. Kaya hindi ko na naman mapigilang maluha. Ito ba ang sikretong sinasabi ng aking anak? “Daddy ko, gising ka na po ba?” tumayo ako at inayos ko ang aking sarili ng marinig ang boses ng aking prinsesa. Agad ko siyang pinagbuksan at hindi ko inasahan na naroon sa labas ang mga taong pinaka importante sa buhay ko. Ang parents ko, ang anim na