ZOEY POV. KANINA pa panay sulyap sa akin ni Lexus. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi naman nagsasalita. Kaya tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Naririto pala kami sa isang bar dahil medyo matatagalan kaming muling magkakasama. Dahil nga kailangan kong ubusin ang tatlong buwan kong bakasyon sa aking anak na si Calvin. “Magsalita ka hindi yong nananahimik ka riyan. Anong gusto mong sabihin at makikinig ako.” “Okay ka lang ba?” "Oo naman bakit mo natanong mukha ba akong hindi okay?” "Talagang mahal mo pa siya ano?” "Anong klaseng tanong ba naman yan Lexus, akala ko kung anong pag uusapan natin.” At natatawang ipinagpatuloy ang aking pag-inom. "Bakit hindi ka makasagot?” "Ewan ko sayo, ang daming pwedeng itanong iyon pa talaga?” "Fine! Anong plano mo ngayon na nagkita