ZOEY POV. PALAKAD lakad ako sa kabuuan ng sala dito sa aking unit. Hindi ko malaman kung ano itong aking nararamdaman. Kung dahil ba sa mga kinain ko bakit medyo sumasakit ang aking tiyan. Baka naman ay nalamigan lamang ako dahil sa pagbabago ng climate? O kaya naman ay kailangan kung mag-poop, kasi hindi pa ako nakakapasok ng comfort room mula pa ng magising ako. “Best friend maupo ka kaya dahil ako ang nahihilo sayo. Kanina ka pa pabalik balik diyan sa gilid ng bintana.” “Kakaiba kasi ang nararamdaman ko friend. Sumasakit ang aking tiyan pagkatapos ay mawawala din. “Hindi kaya mangangananak ka na?” wika ng kaibigan ko, pero malayo pa ang petsa ng panganganak ko. “Pitong buwan pa lang naman ang aking tiyan. Kaya imposibleng manganak na agad ako.” sagot ko sa kanya. “Ang mabuti pa ay