KYLA POV. NAKATITIG ako sa labas ng bintana habang patuloy na bumabagsak ang malakas na ulan. At naririnig ko sa bukas na tv ang balitang marami ng parte sa kamaynilaan ay lubog na sa baha. Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ng panahon. Malamang na ilang araw kaming hindi makakaalis doon at sa mga gano’n senaryo ay nakaramdam ako ng pangamba. Hindi ko na rin magawa man lang na gumalaw sa aking kinatatayuan. Dahil sa aming sitwasyon ni Mauritius ay samutsaring isipin ang laman ng aking isipan. Sa liit ng room na kinaroroonan naming ay paano ako kikilos ng normal. Kung bakit naman parang nananadya ang pagkakataon. Doon pa talaga sa tapat ng motel kami inabutan ng pagtaas ng tubig. Hindi lang yon ang uri ng kwarto ay para talaga sa mag-partner. “Princess, huwag ka naman matakot sa a