KYLE POV. PARA akong tanga na nakatayo lamang sa gilid habang nagdadaldalan ang aking Lolo at Lola ni Zoey. At gusto kong matawa sa katapangan ni Senyora Claudia. Grabe, kakaiba talaga kaya siguro tinawag siyang legendary. At dati rin pala itong super model noong kapanahunan nito, kaya siguro maganda rin si Zoey. At iyong mga lumalabas na salita sa Lola Ni Zoey, ay totoo naman kaya hindi ko kailangan mag-react. Ang aking nararamdaman ngayon ay kaba sa maaaring maging desisyon ni Zoey. Nakikita kong kapag sinabi niya sa kanyang Lola, na hindi magpapakasal sa akin ay siguradong papayag si Senyora Claudia. Tamang matapang nga ito ngunit mukhang mahal na mahal nito si Zoey. At baka pati ang aking anak na si Kyla ay kunin nila. Wala akong magagawa kapag ginawa nila iyon sapagkat ayon sa batas