CALVIN POV. UMAAPAW ang aking kasiyahan ngayon nang marinig na tinawag ako ng aking anak ng Tatay. Siyam na buwan na ang aming anak na si Michael Renz. Ilang araw na lamang ay kasal na namin sa simbahan ng aking asawang si Mikaela. Subalit malaki na ang kanyang tiyan sa ikalawa naming anak. Limang buwan na iyon at ayaw na niya sanang ikasal pa kami sa simbahan. Ngunit hindi ako pumayag, dahil kahit pulit-ulit ko siyang pakasalan ay gagawin ko. Kahit sabihin pang masyado akong showy ay proud ako. Gusto ko pa nga ipagsigawan sa lahat kung gaano ako ka-swerte sa aking asawa. At kung gaano ko siya kamahal, mas higit pa sa aking buhay ang kahalagahan niya. At syempre gano'n ang anak namin at magiging mga anak. “Ang laki ng aking tiyan tapos palalakarin mo ako sa gitna ng simbahan?” nakangus