MIKAELA POV. KAHIT ilang beses kong isipin kung nasaan akong lugar ay hindi ko maaalala. Lahat ng nasa paligid ko ay bago sa aking paningin. At meron akong pakiramdam na parang may mali sa aking sarili. Ilang beses din na merong maliliit na bagay ang pumapasok sa aking isipan. Kagaya ng aksidente, envelopes at ang mukha ng lalaking hindi ko naman kilala. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng magising ako sa lugar na ito. Ang akala ko ay nananaginip lamang ako na nasa loob ng isang castle. Dahil sa napakagandang kwartong nakikita ng aking mga mata. Dalawang tao lang din ang pinapayagan na makipag-usap sa akin. Sila rin ang tanging umaasikaso sa lahat ng aking kailangan. Isang nasa middle age woman at halos kasing edad ko ang tanging nakakapasok sa aking kwarto. “Senorita Mikaela, nak