Isang buwan mula nang mangyari ang pagdukot kay Samsam. Mula nang araw na iyon ay naging tahimik na rin ang buhay namin. Bagama't hindi naging madala para kay Samsam ang naging phobia niya sa nangyari ay unti-unti na rin niyang natanggap at naunawaan ang lahat. Dumaan kami sa consultation ng isang Doktor sa pag-iisip upang ma-overcome namin ang lahat. At ngayon ay handa namin harapin ang lahat na magkasama kasama ng pinagbubuntis ko. "Mommy, where's Daddy?" tanong ni Samsam sa akin. Nasa kusina kami at naghahanda ng pagkain para sa birthday niya. Hindi natuloy ang birthday party niya dahil dinukot siya noon at ngayon lang gusto ni Samsam na maghanda kami. Naglalagay ako ng shanghai sa plato. "Parating na siya anak." "Ang mga Tita at Tito ko pupunta ba silla?" Ang tinutukoy niyang mga