"Why are you looking at me?" I asked him. Kanina ko pa napapansin si David na nakatingin sa akin. Hindi tuloy ako makapag-focus sa niluluto kong pagkain para sa lunch namin. Nag-volunteer akong magluto ng lunch namin dahil gusto kong matikman nila ang mga natutunan kong luto nang magkahiwalay kami ni David. Nakahalumbaba si David sa lamesa at panaka-naka niyang tinitikman ang manggang hilaw na may bagoong sa lamesa. "Hindi lang ako makapaniwala na nakikita kitang nagluluto ng lunch natin. Kung nanaginip ako ayoko ng magising." Tumawa ako. "Totoo ang lahat ng ito bakit mo naman iniisip na nanaginip ka? Hindi ba ito puwedeng magkatotoo?" "Hindi ko kasi iniisip na mangyayari ang bagay na ito dahil nang mga nagdaan mga araw ay naging sakit sa ulo natin si Karina. I'm so thankful that you