Nakataas na ang kilay ni David, habang papalapit ako sa kanya. Ang dapat na alas-dos ng hapon na uwi ko ay inabot na ako ng alas-siyete ng gabi. Napasarap kasi ang kuwentuhan at inuman ng mga kaibigan ko kaya tumagal kami sa condo ni Tomtom. Mabuti na lang at hinatid ako ng mag-asawa na si Veronica at Lester. Sinundo na kasi ni Lester ang asawa niya nang malaman niyang nakikipag-inuman ito. "Bakla, nakasimangot na ang asawa mo. Bakit hindi ka kasi nagpaalam sa kanya ng maayos?" "Nakalimutan kong sabihin sa kanya," alibi ko. "Gaga! Parang hindi naman niya malalaman ang totoo." Kung wala sigurong meeting si David ay baka kanina pa niya ako sinundo sa condo ni Tomtom. "Dude, kumusta na?" Sabay tapik sa balikat ni Lester. Lumapit naman ako sa kanya upang halikan siya sa labi. "Mag-uusa