"David, alam mo naman siguro na anniversary ng radio station na pagmamay-ari ng Tito Sernan mo bukas, " sabi ni Daddy habang nasa hapagkainan kami at kumakain ng almusal. Bibihira lang mangyari na nagsasabay kami sa pagkain nila Mommy. Madalas kasing maaga sila nagigising para mag-jogging at pagkatapos ay diretso na silang kumakain ng almusal. Ngayon kasi ay tinanghali sila ng gising kaya hinintay na lang nila kami na magising para sabay-sabay kami. Huminto sa pagkain si David at tumingin kay Papa. "I almost forgot. Noong isang araw ay pumunta sa opisina ko si Tito Sernan para imbitahan ako. Dahil sa dami naging inaasikaso ko ay nakalimutan ko ang araw ng anniversary ng kumpanya nila." "Mabuti na lang at pinaalala ko sa iyo. Gusto pa naman niyang makilala si Cyndi. Hindi siya nakapunta