Sinikap naming itago ang pagdedemanda namin kay Lawrence upang hindi na lumaki ang gulo at masira ang pangalan ni Lawrence sa industriya ng showbiz. Gusto ko rin pangalagaan ang pangalan nila David dahil kilalang tao sila. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ako napapanatag kahit sabihin ni Lawrence na binura na niya ang mga pictures at video. "Take your vitamins." Inabot sa akin ni David ang isang basong tubig at ang vitamins ko. Dahil sa stress na inabot ko ay mukhang napaaga ang panganganak ko. "Thank you," sabi ko pagkatapos kong inumin ang isang basong tubig. Sinuklay niya ang buhok ko. Habang ginagawa niya iyon ay nararamdaman ko ang safe ako. Tumingin ako sa kanya. "Thank you." Huminga siya ng malalim. "Huwag ka ng sumama kapag nagkaroon ng hiring baka makasama sa iyo." "Hindi n