CHAPTER 5

2255 Words
"f**k you, David,bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!" Humahagulgol na iyak ni Karina nang sagutin ko ang tawag niya. Nasa Cebu ako ngayon para um-attend ng conference meeting. "I'm busy. What's wrong?" "How dare you! Why did you do this to me? Hindi mo sa 'kin sinabi na may asawa ka na! Ang sama mo!" sigaw niya na may kasamang iyak. Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Karina. "What happened?" "Pumunta ako noong nakaraang araw sa mansyon n'yo para bisitahin ka. Nakita ko ang asawa mo! Napakasama mo! Pinaasa mo ako. Ang akala ko ako lang ang mahal mo niloko mo lang pala ako dahil may asawa ka na!" Damn it, Cyndi. Alam ko na ang dahilan ng galit sa 'kin ni Karina. May ginawa naman sigurong kalokohan si Cyndi. Ang malas lang ni Karina siya ang napagbuntungan ni Cyndi. "Nakausap mo ang asawa ko?" Pag-uulit ko. Muling humagulgol ng iyak si Karina sa tanong ko. Hindi ko kasi tinutulan ang sinabi niyang asawa. Gusto ko na rin kasing kumawala sa kanya. "Totoo nga sinabi ng babae na 'yo siya nga ang asawa mo. Paano mo sa 'kin nagawa 'to." "I will talk to you later nasa conference meeting ako ngayon, bye!" Pinutol ko ang tawa niya. Hindi pa rin huminto si Karina na tawagan ko kaya minabuti kong i-silent ang cellphone ko. Nang magsimula ang meeting ay halos gusto ko ng hilahin ang oras. Gustong-gusto ko ng bumalik agad sa Manila upang komprotahin si Cyndi. Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos na rin ang meeting agad akong pumunta ng airport upang makauwi ng Manila. Mabuti na lang at kilala ako sa airport na 'yon kaya agad akong nakasakay pabalik ng Manila. Bago lumipad ang eroplano ay tinawagan ko si Daddy upang alamin kung nasaan si Cyndi. "Why are you calling?" tanong ni Daddy. "Where's Cyndi?" "She's not here, she hasn't been home to the mansion for two days. " "You know where she is now?" "I don't know, I didn't ask Silvia. Why are you looking for Cyndi? What is she doing to you? "I'll tell you later, Daddy. Bye!" Bumuntong-hininga ako nang matapos kaming mag-usap ni Daddy. Hinilot ko ang sintido ko habang pauwi ako ng mansyon. Sumasakit na kasi ang ulo dahil kay Cyndi. Pinuntahan ko agad si Tita Silvia nang dumating ako sa mansyon. Naabutan ko siyang nagliligpit ng mga damit ni Daddy. "Hi, Tita!" bati ko sa kanya. Ngumiti sa 'kin si Tita Silvia. "David, come here." Umupo ako sa gilid ng kama nila. Si Daddy naman ay abala sa panonood ng movie. "Sinabi sa 'kin ng Daddy mo na hinahanap mo raw si Cyndi, bakit?" "Cyndi pretended to be my wife when my girlfriend came here. " Daddy laughed. "I saw Cyndi the other day talking to your girlfriend. Cyndi did well too. I don't want Karina for you." "David, please be patient with Cyndi." sabi ni Tita Silvia. Tumahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko magagawang pagpasensyahan siya dahil sobrang nakakainis ang babae na 'yon." "Please, David, sana mabantayan mo siya. Mabait naman dati si Cyndi bigla na lang siyang nagbago nang lumipat siya ng ibang school noon. Mas lumalala ang ugali niya ngayon nang mawala ang Daddy niya." Na-guilty ako sa sinabi ni Tita Silvia. Alam kong isa ako sa mga naging dahilan kung bakit nagbago ang ugali niya. "Hindi ba siya uuwi ngayon?" Kinuha ni Tita Silvia ang phone niya at tinawagan si Cyndi ngunit hindi ito sinasagot ni Cyndi. "Why are you calling me, are you feeling concerned about me? Why just now?" Binigay ko ang cellphone kay Tita Silvia pagkatapos niyang ipabasa sa 'kin ang sinabi ni Cyndi. Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa nabasa niyang text. "Don't be sad Tita. I'll talk to your daughter." Isang tipid ang naging tugon ni Tita Silvia. "Thank you." Lumabas ako ng kuwarto nila at pumunta ako sa silid ni Cyndi. Walang alam si Cyndi na mayroon akong duplicate ng susi ng kuwarto niya. Pinagmamasdan ko ang paligid ng kuwarto niya. Malinis naman ang kuwarto niya at lahat ng mga gamit niya ay nasa maayos naman. Binuksan ko ang drawer niya at nakita ang lumang cellphone. Kinuha ko iyon upang makita ang laman ng cellphone niya. Ngunit kailangan ng password bago buksan. Sinubukan ko ang birthday niya at nabuksan ko nga ito. "Psh! Ang dali naman ng password niya." Na-curious akong buksan ang gallery sa phone niya. Nakita ko ang mga old photos niya. Marahil ito ang dati niyang cellphone noong college niya. May mga larawan pa kasi siya noong college siya. It's me. Nakita ko kasi ang mga stolen pictures. Habang tinitingnan ko ang larawan ko'y bumibilis ang t***k ng puso ko. "Cyndi…" sabay buntong-hininga ko. Mas higit pa pala sa inaakala ko ang pagkagusto sa 'kin noon ni Cyndi dahilan para mas magalit siya sa 'kin ng sobra ngayon. Isa-isa kong tiningnan ang mga pangalan ng nasa contact list niya hanggang sa nakita ko ang pangalan ng isang Manager Dee. "Who are you?" Bungad niyang tanong. "Boyfriend ni Cyndi Fuentes." "Oh, Geoff, why are you calling me? Kumusta kayo ng dating alaga ko?" Napagkamalan niya akong si Geoff dahil sinabi kong boyfriend ako ni Cyndi. "I'm okay pero hindi kami okay ngayon ni Cyndi." Tumawa si Manager Dee. "Bakit? Nahuli ka na ba niyang may ibang babae?" Fuck! May ibang babae pala ang boyfriend ni Cyndi at walang kaalam-alam si Manager Dee na hindi ako si Geoff. "Kaya kami magka-away ngayon dahil nahuli niya ako na may ibang ka-chat." "Nasa Tagaytay siya ngayon may shooting puntahan mo at lambingin mo mapapaniwala mo na rin siya agad. "Okay, thank you." Sa sobrang daldal ng manager na 'yon. sinabi niya sa ' kin kung nasaan ngayon si Cyndi. Agad akong umalis ng mansyon at pumunta sa tagaytay kung saan naroon si Cyndi. Sa hotel ko na lang siya hinintay kung saan sila nag-check in. Nakita kong dumaan si Cyndi papasok ng kanyang silid kaya nagmamadali ako na sundan siya. Eksakto naman binuksan niya ang pinto nang itulak ko ang pinto para bumukas ito ng maluwag. Mas nauna pa nga akong pumasok kaysa kay Cyndi. "What the hell are you doing here?" inis na sabi ni Cyndi. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko ang mukha niya. May nagtutulak sa 'kin na halikan siya. Lumunok ako upang pigilan ang sinisigaw ng damdamin ko. "I-I need to talk to you." "Get out!" Tinuro pa niya ang pinto. Imbes na matakot ako sa sinabi niya ay humiga ako sa kama niya. Lumapit sa 'kin si Cyndi at kinuha ang unan at hinampas sa akin. "Get out! Get out! Damn it!" Galit na galit niyang sabi. Kinuha ko sa kanya ang unan at hinila ko ito kaya napasubsob siya sa 'kin. Dinaganan ko siya kaya nasa ibabaw na niya ako habang pareho kaming nakahiga sa kama. Nag-iinit ang pakiramdam ko dahil nararamdaman ko ang malambot niyang balat. Hindi rin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Anong gagawin mo!" sigaw niya. Ngumisi ako. "Anong ginagawa sa asawa na pasaway?" I said sarcastically. Nanlaki ang mga mata ni Cyndi. "Nagsumbong na sa 'yo ang girlfriend mo?" Ngumiti ako. "Yeah, and I will punish you for being a good pretender." "Damn it! Let me go!" sigaw ni Cyndi. Tinutulak niya ako para makaalis pero dahil mas malakas ako sa kanya ay nagawa kong hawakan ang dalawang kamay niya. Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa 'kin dahil kung talagang ayaw niya sa 'kin sisigaw siya ng malakas para humingi ng tulong. Tinitigan ko si Cyndi. "Don't be afraid of me, my wife. " I winked. Pagkatapos ay siniil ko siya ng halik. Nanlaki ang mata ni Cyndi sa gulat pero hindi ko naramdaman na tumututol siya sa ginawa ko. Dahan-dahan kong hinaplos ang braso niya habang mariin akong nakapikit. Umawang ang labi ni Cyndi dahilan para ipasok ko ang dila ko sa loob. Ginalugad ko ng dila ko sa bibig niya. Mas lalo akong nag-init nang maramdaman ko ang kamay ni Cyndi na mahigpit na nakayakap sa 'kin. Tuluyan na akong nawala sa kontrol. Mas gusto ko ang nangyayari sa 'min ngayon. Naglakbay ang palad ko sa loob ng damit niya. Napaigtad siya nang dumampi ang kamay ko sa dibdib niya. "Ouch!" sigaw ko ng malakas kinagat kasi niya ang braso ko. Umalis ako sa ibabaw niya. Tumayo si Cyndi at sinipa ang balls ko. Halos mapanawan ako nang ulirat dahil sa matinding sakit. Namimilipit ako sa sobrang sakit. "Feeling mo, gusto pa rin kita hanggang ngayon? Duh, asa ka?" Inirapan niya ako at lumabas si Cyndi ng hotel room niya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Sinubukan ko siyang hanapin para kausapin ngunit hindi ko na siya nakita. Napilitan akong bumalik ng Manila. Nawala ako sa plano ko. Ang balak ko lang sana ay kausapin niya ngunit dahil nadala ako ng damdamin ko kaya nag-iba ang plano ko. Mas sinunod ko ang init ng katawan ko nang makita ko si Cyndi. Ngumiti ako habang nag-drive ako pauwi. Nararamdaman ko pa rin kasi ang malambot niyang labi at ang pabango niya na tila nakadikit na sa balat ko. Imbis na umuwi ako ay pinuntahan ko ang isa sa mga matalik kong kaibigan. "David?" Takang tanong sa 'kin ni Lester nang buksan niya ang pintuan. "Can I come in "Sure. "He eased the door open. "Thank you." He took me to the liquor room. There are many different wine brands that even come from different countries. Hindi pa ako umiinit ang puwet ko nang may lumapit kay Lester na isang maganda at sexy na babae. Sa mga tingin ni Lester sa babae ay alam ko ng ito ang girlfriend niya. Bigla ko tuloy naalala si Cyndi dahil sa babae. Nagkunwari akong abala sa hawak kong cellphone nang bigla silang lumingon at lumapit sa 'kin. "David…" Tumingin ako sa kanila. "Yes?" Inakbayan ni Lester ang magandang babae. "This is Veronica, my future wife. Ikakasal na kami next week at inaasahan kong makakapunta ka sa kasal ko" Lumapad ang ngiti ko. "Wow! Congratulations to both of you." Tumingin ako sa babae ngunit napansin kong mukhang hindi naman siya masaya. "Thank you." "Excuse me, if you don't mind, can I leave?" she said. "Sure, Honey." Sabay halik ni Lester kay Veronica. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang wala silang balak na huminto. Nagkamali lang pala ako sa babae na mukhang napipilitan lang dahil nag-eenjoy naman siyang makipaghalikan kay Lester. "Ehem!" sambit ko. Huminto silang dalawa at naghiwalay na parang hindi magkakilala. Nang umalis si Veronica ay nagbukas ng alak si Lester. Inabot niya sa sa 'kin ang wine glass na may laman alak. "Anong pag-uusapan natin?" panimula ni Lester. Bumuntong-hininga ako at uminom ako ng alak. "Cyndi is back." Umangat ang kilay ni Lester. "Who's Cyndi?" "Cydni Fuentes." "Oh, I remembered. The woman who had a crush on you when we were in college?" Tumango ako. "Yeah." "So, what's the problem?" "Maybe she'll be my stepsister." "What?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Lester. "You heard what I said. She will be my stepsister because Daddy's Girlfriend is her Mommy, at nakatira kami sa iisang bubong." Umiling si Lester. "Malaking gulo nga 'yan. Paano mo tatanggapin na ang babae na matagal mong hinahanap ay baka maging step sister mo?" "Hindi naman ako papayag na magpakasal si Daddy sa Mommy ni Cyndi. Ayokong maging step sister si Cyndi." "Unahan mo nang magpakasal sa Daddy mo. Itanan mo na si Cyndi, buntisin mo na agad sayang naman ang sperm mo kung hindi mo ibabahagi." "Psh! Are you crazy? Galit na galit nga siya sa 'kin paano ko siya yayain na magpakasal. May girlfriend ako at hindi ko kayang saktan si Karina." "Hindi ko alam kung bakit nandito ka pa? Hindi mo naman pinakikinggan ang opinyon ko." "Gusto ko lang may makausap. Ang laki ng mansyon namin pero kapag nando'n si Cyndi parang sumisikip ang mansyon." "Sabihin mo ang totoong dahilan kung bakit mo siya pinagtabuyan noon." "No, I won't do that." Muli kong tinungga ang alak. Bumuntong-hininga si Lester. "It's all up to you." Sinaid ko ang alak ko sa wine glass ko. Tatlong bote na ng wine ang naubos naming dalawa ni Lester nang mapagpasyahan kong umuwi. "Are you sure kaya mong umuwi?" Binuksan ko ang pinto ng kotse ko. "May tinira pa ako pauwi. Thanks for your time." "No problem, take care."Sabay tapik niya sa balikat ko. In-start ko ang engine ng kotse at pinaharurot ko ito palayo sa mansyon ni Lester. Alas-onse na ng gabi kung kaya't hindi na ma-traffic sa kalsada. Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa mansyon namin. Una kong hinanap ang sasakyan ni Cyndi sa garahe. Ngunit wala ito. Ibig sabihin ay hindi pa ito nakakauwi ng bahay. Umakyat ako ng second floor kung saan naroon ang kuwarto. "She's not here." Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman ko. Hinahanap ko siya sa tuwing wala siya sa mansyon. Gusto ko ulit bumalik ng Tagaytay, pero alam kong hindi naman ako kakausapin ni Cyndi. Isang oras na akong nakahiga ngunit hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa 'min ni Cyndi. "f**k! Ano'ng ginawa mo sa 'kin si Cyndi? Bakit hindi ka na mawala sa isip ko." Tumayo ako at hinubad ko ang lahat ng damit ko at naligo ako. Nagbabad ako sa jacuzzi dahil nakakaramdam ako ng init ng katawan kapag naaalala ko si Cyndi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD