Napansin ko ang mga katulong namin na nagkukumpulan sa kusina. Nameywang ako habang pinagmamasdan ko sila sa ginagawa nila. "What's happening here?" Pagtataray ko sa kanila. Ang bilis nilang naghiwalay at nagkanya-kanyang silang alis sa table at tinuloy ang ginawa nila. Lumapit ako sa kanila. "Anong pinagkakaguluhan n'yo?" Tinaasan ko pa sila ng kilay. "Ma'am, nabasa n'yo na ba ang balita?" sabi ng isang katulong namin. "Anong balita?" Binigay niya sa sa'kin ang dyaryo na binabasa nila. "Basahin n'yo po ang latest news." Kinuha ko ang dyaryo at tumingin sa mga katulong namin. "Magtrabaho kayo hindi kung ano-ano ang ginagawa n'yo." Inirapan ko sila at pumunta sa living room para basahin ang dyaryo na hawak ko. Nilamukos ko ang dyaryo pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa balita ng