CHAPTER 50 Nasa maliit kaming garden, malapit sa dining area, kung saan nakatamin ang mga home grown vegetables na inaalagaan namin, para sariwa ang gulay lalo na ang salad. Dito ako hinila ni Teejay, palayo sa mga bisita, palayo sa nakita ko at palayo kay Jared at Fiona. “Shhh. Stop crying, Arin,” bulong ni Teejay habang pinupunasan ang mga pisngi ko ng panyo nya. Totoo pala na may kakaibang nangyayari sa isip ng tao pag sinabihan ng tumahan. Mas lalong nalalaglag ang mga luha pag naririnig ito…I am not an exception to the hear-say rule. Mas lalong lumakas ang hikbi ko pagkarinig ko ng mga katagang binitawan ni Teejay. Para akong binagsakan ng langit at kinain ng lupa--nayanig ang mundo ko. Sino ba naman ang hindi makakadama nito kung makikita mo na kumandong ang isang babae sa hita