CHAPTER 48 Masayang-masaya ang mama at papa ko ng dumating ako kahit walang pasabi. Bago ako sumakay sa kinuhang service ng secretary ko, bumili muna ako ng cake sa bake shop sa lobby. Masarap din ang cakes doon at binili ko ang paboritong cake ni papa sans rival at kay mama naman ay mango torte. Masaya kaming nagsalo ng hapunan, imbes na rellenong bangus ang ulam na sinabi ko kay Jared, mas masarap pa ang hinanda ni mama. Lechon kawali at kare-kare ang pinagsaluhan namin. Ang dami kong nakain, likantakan ko talaga ang kare-kare at ang bagoong ni mama. Sagad ang busog ko para akong walang problema o baka naman stress-eating ang tawag dito? Kahit ano pa man ang tawag sa ginawa ko, basta saglit akong sumaya, habang busog na busog ako. Ang saya namin na nag kwentuhan namin pagkatapos ng h