CHAPTER 46 7:00 am– Alam ko na dumating na si Jared sa penthouse unit namin at hindi nga nagtagal ay pumasok na siya sa room namin. Mula ng magising ako ng alas kwarto, hindi na ako nakatulog. Maaga akong naligo, nag-agahan at nagbihis na ng damit pang opisina. Balak kong maagang pumasok, para hindi kami magkatagpo ni Jared pero dumating na nga siya at hindi ko na siya maiiwasan. Inihanda ko ang sarili ko para hindi iparamdam ang inis. Eh bat hindi ako maiinis—tao lang naman ako na may pakiramdam. Ang dali naman mag-text o mag Viber, sobra bang busy nila sa pag-uusap nakalimutan niya na may asawa siyang naghihintay sa kanya? Pero yun nga, ayaw ko munang iparamdam sa kanya na nainis ako. Pakikinggan ko muna ang explanation niya, baka sakaling may maganda siyang rason. Katulad ng na-l