CHAPTER 52 Kinabukasan… “What do you want?” Tanong ko sa kanya habang naka-awang ng konti ang napinto. Konting awang lang, hindi sapat para makapasok si Jared. “Love. Hindi pa ba lumalamig ang ulo mo? At saka papasukin mo nga ko, para naman hindi mo ako asawa. Nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng dumadaan.” Napangiwi si Jared ng hindi ko talaga siya balak papasukin, buti nga at pinagbuksan ko pa siya ng pinto. Kung tutuusin, tama naman siya, nakakahiya na halos ipagtabuyan ko siya, dahil ayaw ko siya papasukin. Huminga ako ng malalim, tapos ay inawang ko na ng mas malaki ang pinto. May dala siyang coffee and sandwiches mula sa kilalang coffee shop. Nag drive thru lang siguro siya, bago pumunta dito. Inabot niya sa akin ang kape, kinuha ko naman. Bawal mag aksaya ng pagkain, pero t