Chapter 40 BANDANG alas diyes ng umaga, pumasok si Helena sa opisina. Nakaalis na Iggy kahapon papunta sa mga probinsya na bibisitahin. Nakakatuwa na bilang CEO at Presidente ng kumpanya ay sumang-ayon sa suhestyon ng isang tulad niya na maging hands-on iyon sa pag-aasikaso sa mga taong nangangailangan ng tulong at pagkalinga. Bitbit niya ang bag at handang ayusin ang mga typographical errors at resolution forms na iniwan ni Donatello. She was already instructed. Alam niyang abala ang asawa niya sa isla, pitong pamilya ng mga namatay na minero ang pupuntahan doon tapos ay lilipat na naman ng lugar, kaya hindi na niya matawagan. Mukhang walang signal sa napuntahan na lugar ng asawa niya. Kailangan niyang asikasuhin ang opisina mag-isa. Pagpasok niya sa lobby, napansin niya agad ang isang

