Chapter 1
Farrah
It’s been one hour and sixteen minutes. She’s waiting under the cemented shed in front of the College University, embracing her portfolio. Katatapos lang ng kanyang huling klase sa umaga at hinihintay niya si Jedrick. He’s her boyfriend since she was seventeen. Isang taon na sila at katatapos lang ng birthday niya noong nakaraang araw kasabay ng anniversary nila ng lalaki. Pero naman, kinakalyohan na ang lahat ng daliri niya sa paa kasama pati kuko ay wala pa rin ang lalaki. She’s wearing a five- inches high heels and her blue dress, she just finished the biggest requirement for this year’s defense and quite proud of herself, at ngayon na darating na May bago ang pasukan ay qualifying exam na naman ang aatupagin niya para makapasok sa fourth year college. She’s an Accountancy student, a prim one. Wala siyang panahon sa mga gimik at kung ano-anong mga kalokohan katulad ng mga kaklase niyang mayayaman. Isa kasi siyang scholar at Dean's lister. Minsan ay sinasabi sa kanya ni Jed na nagpapakamanang daw siya pero wala siyang pakialam sa sinasabi ng boyfriend niya. She’s the only one who has the right to decide what’s better for her and if she thinks striving hard for her studies is the key to attain her dream of becoming a CPA, then she’s more than willing to strive harder not just to reach but to grab it. Kahit na si Jed ay walang magagawa sa kanya kahit pa sabihin nito na siya ang pinakaboring na babae sa mundo.
She’s not boring when she’s talking. Kwela naman siyang babae, iyon lang ay wala raw kasabor-sabor ang relasyon nila dahil manang daw siya. Malinaw sa kanya simula pagkabata pa na silang dalawa ang magkakatuluyan pero hindi iyon ang pinanghawakan niya. It was her grandfather’s will and so as Don Ricardo Vergara's, Jed's abuelo. Pagmamay-ari ng mag-lolo ang kabayanan, ang lahat ng pataniman ng palay, tubo, pinyahan at ang buong kalawakang lupain na kayang tanawin ng kanyang mga mata. She can consider herself lucky to have him as a boyfriend but that’s not what she thinks. Ayaw niya na umasa sa lalaking mapapangasawa niya kung sakali dahil hindi siya lumpo. May silbi siya at hindi siya paaapak sa mayayaman kahit pa asawa na niya kung sakali. She will not give anybody the reason and the fortitude to turn her down. She wants to work for herself and buy the things she loves to buy using her own penny. Kung wala na siya ay saka siya hihingi na lang at kung anong ibigay sa kanya ay magpapasalamat siya. She’s not a hypocrite and she’s not a gold digger, and she’s not indolent. Kahit na matuloy ang kasal niya kay Jed na ipinupursige ng lolo nito ay magtatrabaho pa rin siya dahil ayaw niyang maging tau-tauhan at oo na lang nang oo sa bawat utos o bagay na isinusubo at iniuutos sa kanya.
Mahal niya si Jed pero wala siyang tiwala sa lalaki. Balitang-balita na isa itong palikero at hindi lang sasampung babae ang dumaan sa mga kamay nito. He studied in US and gone home after. Heto at nabubuhay ang lalaki sa piling ng lolo kung kanino sobrang spoiled nito. That’s what she hates about him, he has d**k but has no balls. He is twenty-eight but he acts as if he isn’t a man. Kung ano ang sabihin ni Don Ricardo, ganoon naman ang ginagawa ng lalaki. Sabagay, anong aasahan niya ay kaisa-isang tagapagmana ang kumag? Jed isn’t the type of guy who lives his life seriously, everything about him just concerns money and night life. Magkababata sila pero hindi siya mapalagay sa ugali na ito ng boyfriend niya. Para itong isip bata na walang sariling disposisyon sa buhay. Pero wala siyang magagawa dahil mahal din naman niya, pero ewan ba niya kasi parang may kulang.
Like now, ang usapan ay alas 10:45 siya susunduin pero alas dose na mahigit ay wala pa rin. She’s tired. She haven’t gotten some sleep yet because she studied a lot last night. Pinag-awayan pa nga nila pati na iyon dahil ang kulit-kulit ng lalaki at gustong umiskor sa kanya kagabi dahil isang taon na naman daw silang magboyfriend.
Of course she alleged her rationalized mental attitude, she said no and it would always be a no. Kung hanggang pisngi lang ang halik nito sa kanya ay wala na itong aasahan na higit pa roon hangga't hindi sila naikakasal. Wala siyang tiwala rito at kayang-kaya siya nitong ipatapon kung sakaling ayawan siya sa bandang huli kapag nakuha ang sakaling gusto lang sa kanya. Jed is a virgin addict, that's what she heard but rumors will remain as rumors not unless proven.
Oo may pagmamahal siya pero kailangan na maging buo na muna iyon at maramdaman niya sa kanyang sarili na handa na siyang umangat ng isa pang baitang sa takbo ng kanilang relasyon.
She brushes her thoughts aside when she noticed Kylie's car, her childhood best friend. Magka-close sila nang sobra dati pero ewan ba niya kung bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan nila ng babae. Kylie started to treat her as an enemy than a companion since Jed came home. Hindi naman siya nakikipagkunpetensya pero hayon at basta na lang siya dinedma. She made a full effort asking Kylie why and tried to fix everything between them but the woman was a great competitor. Competitor to what?
Latter she found out that it was all about Jed. She had lost her only best friend because of a man. It wasn’t her intention but she’s not a martyr. Wala naman siyang kasalanan kaya bakit naman siya paapekto? Kung ayaw sa kanya ni Kylie ay hindi siya hahabol na parang tuta roon. Tama na ang ilang araw na iniyakan niya ang pagkawala ng matalik na kaibigan pero hindi tama na magmukmok siya habang buhay. Kylie was envy, the woman even accused her of seducing Jed. Walang hiya! May nangse-seduce ba na virgin, never been kissed, never been touched? Gaga lang! Iyon siguro talaga ang batayan ng mga taong sarado ang utak at ayaw na makinig sa paliwanag ng iba. Kaya bakit naman siya magsasayang ng oras na magpaliwanag pa kung wala rin naman gustong makinig at wala rin namang silbi sa huli?
Napabuntong hininga siya nang ngumisi ang babae na parang nakakainsulto sa kanya. Bumaba ito sa sariling kotse at naglakad papalayo na parang model ng underwear sa ukayan. Saan kaya galing ang kaibigan niya? Oras ng klase noon pero umiskapo. Ibang-iba na si Kylie kaysa sa kinalakihan niyang kababata. Simula nang tumuntong iyon sa Maynila ay nag-iba na ang kilos nang umuwi. Magkaibigan pa sila noon pero nang umuwi si Jed ay iniwasan na siya ng babae.
She glanced at her wristwatch and as soft ‘tsk' passed past her lips.
Maya-maya ay nakita ulit niya si Kylie na bumalik at may kausap sa phone. Kumikendeng ang pwet nito sa suot na walang kasing ikling miniskirt na uniform nito sa Nursing. Humahagikhik ang babae at pumosing sa may gilid ng kotse, tinitingnan siya na para bang may ipinagmamalaki ito sa kanya.
“Oh hell yes, let’s meet some other time. Doon naman sa castle mo malapit sa tabing dagat.” Nilakasan pa ng babae ang pagkakasalita ng salitang 'tabing dagat'.
Farrah immediately lifted her gaze and stared at the plant box.
Castle sa tabing dagat?