Chapter 28 “WALANG hiya kang animal ka! r****t!” Gigil na gigil na sambit ni Eli saka pinaghahampas ng dalang bag na nakasabit sa balikat nito ang pobreng binata. “Tulungan mo akong bugbugin ang letseng ito at ipapupulis natin!” Utos sa kanya ng kinakapatid, at natutulala lang siya dahil sa lakas nitong ipinakikita ngayon. Kahit na babakla-bakla ito ay papatay siguro ito ng tao kapag siya ang inargabyado. “Farrah!” Sigaw ni Eli sa kanya nang mapansin na nakatulala siya. Agad siyang natauhan. “Si boss ‘yan!” Sagot naman niya. “Wala akong pakialam kahit pa si chairman ito! Lulumpuhin ko ito sa hampas!” Ani naman nito at mas lalong nilakasan ang pagpalo pero bigla itong tumigil at tumingin sa kanya sa nanlalaking mga mata. “S-Si boss?” Nakangiwi na tanong ni Elijah kaya tumango siya,

