Chapter 37 Pagkatapos na makapag-asikaso para makauwi na ay nagmaneho na ulit si Iggy pabalik sa Maynila. Biglang nag-iba ang panahon pagkalabas nila sa Rizal. Tahimik ang biyahe nila sa van. Si Iggy ay nakatutok lang sa daan na para bang ang lalim ng iniisip. “Okay ka lang?” Helena asked when she saw that they’re already in the city. “Of course. Stop worrying about me. Isn’t it too much to ask you to come with me first before you head home?” Nanunuyo na tanong nito sa kanya kaya natawa siya. “Oo naman. Saan tayo pupunta?” “Sa office lang. I want to have a meeting right away about the miners. I want to fix it in no time.” “Sige. Doon na muna ako sa office mo maghihintay since sa conference room naman kayo mag-uusap, sigurado. N-Nandoon ba si Chairman?” Tumango ito, “Yeah. I can hand

