"Zion, nandito ka na pala?" bati niya dito ng makita itong nakaupo sa terrace. "Oo Sailor, pagtawag mo nagtungo na agad ako dito akala ko nandito ka, iyon pala nasa ospital daw kayo sabi ni Nanay Salud. Kumusta ka na? Ano bang nangyari sayo?" sunod-sunod na tanong nito. "Sa bahay ko na lang i-kukwento, hintayin mo ako dito ha kukuhain ko lang ang mga gamit ko." wika niya dito, tila may sasabihin pa ito o nais itanong pero tinalikuran na niya ito ng makita si Ace na papalapit na sa kanya. Napangisi naman si Lexy na noon ay nagkukubli sa malalagong halaman sa villa. Masaya siyang nakikitang nag-aaway ang dalawa, halata naman sa mga kilos nito. Ibigsabihin tagumpay ang kanyang ginawa kanina. Nakita kasi niya si Sailor na papasok ng kusina, tamang-tama namang nandoon din si Ace dahil ma