"Kumain ka na ba ng lunch asawa ko? Ako kasi hindi pa, hinihintay talaga kita," tanong ni Ace kay Sailor. "Uhmm, oo maaga kasing aalis si Kuya kaya wala pang eleven kumain na kami ng lunch," sagot naman nito. "Ay ang daya naman, hinintay pa naman kita," kunwa'y nagtatampong wika niya dito. Hinintay niyang talaga ito, nagluto pa nga si Nanay Salud ng nilagang baka para sa pag-uwi ni Sailor sabay silang kakain. Si Nanay Salud kasi kahit anong pilit nilang sumabay sa kanila ayaw nito, Nanay naman talaga ang turing nila dito pero talagang ayaw nito, nasanay na itong kasabay ang ilan pa nilang kasambahay. "Bakit, pwede namang kumain ako ulit ah? Mukhang masarap pa naman ang ulam, naamoy ko iyong nilagang baka ni Nanay Salud. Tara na Ace, baka tapos ng magluto si Nanay," maluwang ang pagk