Hindi nga nakapasok si Sailor kinabukasan at ganon din si Ace, nagpasya kasi ito na samahan na lang siya sa bahay. Hindi naman na siya nagkalagnat ulit kaya lang hindi na siya muna pinapasok ni Nanay Salud dahil baka daw mabaynat siya. Pero sinubukan niyang manatili lamang sa sala dahil medyo kinakabahan siyang baka hindi siya tigilan ni Ace kapag nasa room lang sila. Kaya naman halos buong umaga lamang silang nanood ng movie. Pero nagpaalam si Ace sa kanya na aalis muna after lunch, may pupuntahan daw ito nagpasama pa ito kay Manong Boy. Sinamantala naman niya iyon kaya nakapagpahinga siya sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang gitara at tumipa ng isang awitin, sige lamang siya ng strum pero wala doon ang kanyang isipan, kundi sa mga kaganapang hindi niya inaasahan sa kanyang buhay.