CHAPTER 71

1667 Words

NATIGILAN si Alexia nang makita niya si Florence na naglalakad sa pathway at may mga kasama itong tatlong babae. Siguro mga kaklase o kaibigan nito. Sa wakas nakita rin niya ito. Ang tagal na hindi niya ito nakita. With a smile, Alexia called Florence’s name. “Ate Florence!” Agad namang lumingon sa kaniya si Florence. “Alexia?” Kumaway si Alexia. “Hi, Ate.” Bati niya at nilapitan ito. Ngumiti si Florence. “Long time no see, Alexia.” Alexia smiled. “Pauwi ka na ba, Ate?” “Oo. Ikaw?” Tumango si Alexia. “Sabay na tayo, Ate.” “Sige. Oo nga pala. Ipapakilala kita sa mga roommate ko. Aileen, Jane and Lani.” Pakilala ni Florence habang itinuturo niya ang kung sino sa kanila sa bawat pagtawag niya sa pangalan ng mga ito. “Hi.” Bati ni Aileen. Ngumiti si Alexia at ipinakilala ang sarili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD