FLORENCE was busy at her table but she was startled when suddenly a phone rang. Nasa malapit pa naman niya ito. Cellphone ni Sir Axel ang nagri-ring. May pinuntahan ito at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Pinahawak nito ang cellphone nito sa kaniya at siya raw muna ang bahalang sumagot kung may tatawag. Ngunit nagdalawang-isip si Florence kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi nang makita niya kung sino ang caller. Napakamot na lang siya ng ulo saka napipilitang sinagot ang tawag. “Hello…” Natigilan si Alexa nang marinig niyang boses ng babae ang sumagot sa tawag niya. “Sino ka? Bakit mo hawak ang cellphone ni Axel?” tanong ni Alexa. Since when did my son allow others to touch his phone? “Pasensiya na po. Si Florence po ito. Assistant ni Sir Axel. Pinahawak po sa akin ni Sir

