PAUWI na si Florence galing sa kaniyang trabaho pero bigla na lang umulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Hindi siya nasundo ni Axel dahil may overtime ito sa trabaho. Malakas ang ulan at halos maulan na rin siya sa kinaroroonan niya. May silong naman sa terminal pero sa sobrang lakas ng hangin at ulan, halos maulanan na nito ang buong terminal. May mga kasama naman siya sa terminal na naghihintay ng sasakyan. Nang sa wakas ay may mini-bus na dumating pero puno sa loob kaya naman tumayo na lang siya. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe, nakauwi rin siya sa nabasa siya dahil sa pagtakbo niya mula kalsada hanggang sa apartment. Hinubad niya ang suot na damit saka nagpalit. Pero agad siyang tinamaan ng ubo. Napabuntong hininga si Florence. Kung malaman ni Axel na nagpabasa siya sa ul

