FLORENCE was surprised. Nakatanggap siya ng tawag mula sa landlady ng dorm niya na may naghahanap raw sa kaniya. Agad naman siyang bumaba upang tignan kung sino ito at talagang nasurpresa nang makita si Alexia. Ang kapatid ni Axel. “Alexia?” Alexia smiled and waved at her. “Hi, Ate Florence.” Nagtataka si Florence. “Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?” Ngumiti si Alexia. “Tinanong ko si Kuya Axel. Then he told me you don’t work during weekend so I came to you.” “Para saan?” “Yayain sana kitang lumabas. Wala akong maaya, eh. Iyong pinsan kasi namin ni Kuya ay sobrang busy. Tapos si Kuya naman wala naman siyang hilig lumabas. Ayun nasa apartment niya at abala rin dahil nagpoprocess siya ng mga papeles para sa ipapatayo niyang negosyo. My parents are not he

