NAGTAKA si Florence nang makarating siya sa ibaba ng dorm at may ibinigay sa kaniya ang landlady na bouquet. Agad naman siyang inasar ng mga kaibigan niya. “Yiee! Florence, may manliligaw na.” Tukso ni Jane. “Si ‘Kuya Axel’ ba ‘yan?” Nakangising tanong naman ni Aileen. “Malamang siya.” Sabi naman ni Lani saka kiniliti si Florence. Napaatras naman si Florence at natawa ng mahina. Inamoy niya ang bulaklak at doon niya nakita ang note na nakalagay rito. ‘I hope to give you a good morning. From, Your Knight.’ At ang tatlong kaibigan ni Florence ay nakibasa rin. Halos lumundag ang mga ito sa kilig. “Sana all.” Sabi ni Lani. Napailing si Florence. Kahit hindi niya tanungin kilala niya kung kanino nanggaling ang bulaklak. Pero nagtataka siya kung bakit siya binigay ni Axel ng bulaklak. A

