"A-Apo magpapaliwanag ako. Huminahon ka muna" "Lola all this years tinago niyo sakin ang totoo! Paano ako hihinahon lola?" Kanina pa nakikipag argumento si Ashley sakanyang lola. Nagmadali siyang nagpahatid kay Joshua papunta sa kanilang probinsya simula nang madulas ito at sabihin ang katotohanan sakanya "Apo umupo ka muna--" "Kung hindi pa nadulas si Joshua sakin hindi mo pa ipagtatapat lola? Alam niyo naman pong buong buhay ko nanabik akong makasama ang mga magulang ko!" Napatingin ang kanyang lola kay Joshua na tahimik lamang sa isang gilid habang karga karga nito si Jolee na natutulog ulit dahil napagod ito sa kanilang biyahe. Napalunok agad si Joshua at napayuko. Muntik na tuloy siyang mapangiti sa naging reaksyon nito. Napakagwapo nito ngunit paminsan minsan napakacute din ni