"Sino mas pogi samin ni tito Zach?" Tanong ni Cedric sa batang lalaki. Ito ang batang pinagkakaguluhan nila ngayon magkakapatid sa mansyon ng mga Hoffman. Dahil tinawagan sila ni Mrs Hoffman na natagpuan daw nito ang anak ng kuya Joshua nila. Lahat sila ay nabigla sa balitang ito. Kaya naman excited silang makita ang bata. Walang duda anak ng ito ng kapatid nila. Dahil dugong Hoffaman ang nananalantay sa buong pagkatao ng bata. Mula sa pilik mata nitong mahahaba at matangos nitong ilong kapansin pansin ang pagkakahawig nito kay Joshua. Wala halos pinagkaiba ang mukha nito sa mukha ni Joshua. Unang tingin palang natunaw na ng batang ito ang kanilang mga puso. Kanya kanya silang halik at karga sa bata. "Po?" Magalang ito at napakacute pa. Medyo nahihiya pa ito sakanila "Sabi ko sino