"Ano nanaman ginagawa mo dito Josh?. Akala ko ba nagka-ayos na kayo kagabi ni Ash?" Tinapik ni Miguel ang kanyang balikat kaya naman napalingon siya "I'll find her again.." Napakunot ang nuo ni Miguel "What are you talking about?" Uminom muna siya ng isang basong whiskey bago niya sinagot ang tanong ni Miguel "Hahanapin ko uli si Ashley.." "Teka teka naguguluhan ako sayo eh. Sinong ashley ba? Panay ashley kasi mga girlfriend mo eh" Napakamot nalang sa kilay ang kanyang kapatid. Tinabihan siya nito sa vip chair kung saan nakatambay siya. "Small world kuya.." Kinuwento niya kay Miguel na nakita niya ang picture ni Ashley na nahulog ni Ash. Nanlaki ang mata ni Miguel "What?! For real? Yung babaeng pinapahanap mo samin dati?" "Yeah. She's missing right now. Dahil pina-alis daw