"Mayor may gusto pong kumausap sainyo sa telepono" Napabuntong hininga si Mayor Legazpi tinagnan lang niya ang kanyang body guard habang hawak nito ang private phone niya. Kagabi pa siya hindi mapakali. Nakatangap kasi siya ng isang threat. Halos araw araw nakakatangap siya ng death threat dahil normal iyon sa pulitika. Marami talaga siyang kalaban. Ngunit kagabi ibang threat ang kanyang natangap. Ito ang pinaka-kinakatakot niya.. He received a text message last night from unknown number. Alam ko ang sekreto mo mayor. Anak mo si miss Cortez. Kung ayaw mong masira ang pamilya mo sundin mo ako! ibigay mo sakin si Ashley ibalato mo na. Gigil na gigil kasi ako sakanya. Wala ka naman paki-alam sa anak mo diba? Mas mahalaga sayo ang asawa at mga tunay na anak mo. Labis na inis ang kanya