Daig pa nila Joshua at Ashley ang mga newly married couple sa sobrang sweet nila sa isat isa. They enjoyed their time together in baguio city. Marami silang napasyalan na magagandang lugar sa baguio city. Ibat-bang restaurant din ang kanilang kinainan. Minsan pa nga biniro siya ni Joshua na patatabain siya nito ng husto Ngunit they need to go back. Dahil pinauuwi na siya ng kanyang lola. "Sa tingin mo galit sakin ang lola mo?" Napangiti si Ashley sa tanong ni Joshua habang nagmamaneho ito ng kotse nito. Pauwi na sila sa kanilang bayan. Nagkibit balikat lamang siya "Hindi ko alam.. Siguro?" Biro niya Napalunok naman ito "Papanagutan naman kita babe kung sakaling naka-buo tayo.." "Napaka-seryoso mo naman. Hindi naman galit sayo si lola.." Nag iwas siya ng tingin kay Joshua. She's