"Neng ayos ka lang ba?" Unti unting idinilat ni Ashley ang kanyang mata. Puting kisame agad ang kanyang nasilayan. Nakahiga siya sa isang malambot na kutson ng kama. Napatingin siya sa babaeng nagsalita sa kanyang tabi. Bakas ang pag aalala sa mukha nito "O..Oho ayos lang ako.. Medyo nahihilo lang po ako" Pinilit niyang bumangon. Alam niyang nasa loob siya ng hospital dahil natatandaan niya pa ang mga nangyari sakanya bago siya mawalan ng malay "Nako ineng wag ka munang bumangon" Inalalayan siya nito "K..Kaya ko na ho ang sarili ko.. Salamat po" "Pero kailangan mo pang mag pahinga. Dahil makakasama yan sa anak mo---" "H..Ho??" Pakiramdam ni Ashley nanlamig ang buong katawan niya sa sinabi ng babae Bakas naman ang pagtataka sa mukha nito "Bakit hindi mo ba alam ineng? Nag dadala