"Papasukin niyo nga ako!" Itinulak niya ang mga bouncer. Medyo lasing na siya dahil kanina pa siya madaming nainom na soju. Bumili siya sa isang korean store na nadaanan niya. Nakaka apat na bote na siya ng soju ngunit di padin siya nalalasing ng todo. "Di po pwede sabi ni Sir Miguel!" Hinarangan si Joshua ng mga bouncer ng bar kung saan pagmamay-ari ng kanyang kuya Miguel Dalawang taon lang tanda sakanya ng kanyang kuya Miguel kaya halos magkakasing edad lang sila. Ngunit ngayon nabubwisit siya sa kanyang kapatid dahil pinagbawalan na siya nito makapasok sa loob ng bar nito "What? Anong hindi pwede?" "Pinagbilin po samin ni Sir Miguel hindi ka na raw pwedeng pumasok dito sa bar niya--" "What the f**k!" Inis na inis siyang tumalikod upang bumalik sa kanyang kotse. He badly n