"Micah!" Nakangiting salubong sa kanya ng Ninang Giselle niya habang pababa ito ng malaking hagdan at nakatingala siya rito. Ang tingin niya sa Ninang niya ay isang reyna na bumaba ng pam palasyong hagdan. Hindi na naman niya napigilang humanga sa ganda ng buhay na meron ang kanyang Ninang Giselle. Basta talaga ginamit ang ganda at utak paniguradong gaganda ang buhay, mamumuhay prinsesa. Sayang nga lang at hindi katulad ng kanyang Ninang Giselle ang mind set ng Mommy niya, baka sakaling mayaman na rin sila ngayon. Walang masama sa pagiging ambisyosa basta ba huwag kang manapak ng mas mababa sa iyo at tumulong ka sa mga nangangailangan once na makamit mo ang ambisyon mo.
"Ninang," nakangiting tawag niya sa Ninang sabay tayo mula sa pagkakaupo sa maganda at malaking sofa na sobrang lambot. Parang ngayon pa nga lang siya nakaupo sa ganoong kalambot na sofa.
Isang kasambahay ang nagpapasok sa kanya sa loob ng mansyon ng mga Navarro, at sinabing maghintay sa sala saka tinawagan ang Ninang niya sa ikalawang palapag ng malaking bahay na parang palasyo na sa kanyang paningin. Hindi niya ma imagine kung ano ang gagawin niya pag dito na rin siya titira habang buhay. Excited na tuloy siya at hindi na makapaghintay na mamuhay katulad ng kanyang Ninang at syempre kukunin niya ang Mommy niya, hindi pwedeng manatili sa apartment na iyon ang Mommy niya. Isa sa mga dahilan niya ang ina kung bakit niya ginagawa ang ganitong bagay, deserve din ng Mommy niya ang mamuhay katulad ng Ninang Giselle niya.
"Oh dear, thank you for coming," malambing na saad ng Ninang niya nang lapitan siya nito para makipag beso sa kanya at yakapin siya.
"Good morning po Ninang Giselle," magalang niyang bati rito.
"Dala mo na ba ang iyong mga gamit?' Tanong nito sa kanya at agad siyang tumango at tinuro ang maleta sa di kalayuan na siyang tanging bitbit niya.
"Magaling," saad ng Ninang Giselle niya at nagtawag ito ng kasambahay para iutos na iakyat ang kanyang maleta at dalhin sa guest room iyon daw kasi ang magiging silid niya. Nagningning naman ang kanyang mga mata at bumilis ang t***k ng puso sa excitement na kanyang naramdaman. Sa laki pa naman ng bahay na ito, walang duda na maganda at malaki rin ang magiging silid niya. Isama pang paniguradong kumpleto sa kagamitan ang kanyang magiging silid.
"Nakapag breakfast ka na ba hija?" Tanong sa kanya ng Ninang.
"Hindi pa po, Ninang, pero hindi naman po kasi ako mahilig mag almusal," tugon niya. Sa pagmamadali kasi niya at para na rin maiwasan ang galit ng Mommy niya ay maaga na siyang umalis sa bahay nila.
"Ok lang iyan, magbibihis muna ako at makakape tayo sa labas,' saad nito sa kanya. Nagulat pa nga siya hindi pa pala ito nakabihis eh ang ganda, ganda na ng suot nitong dress. But of course, knowing her Ninang Giselle na para na itong celebrity kung manamit at kumilos, dahil afford nito.
"Sige po Ninang," tugon naman niya.
"Anyway, tara na muna sa magiging silid mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa akin. Alam mo naman na marami pa kong orasyon sa aking katawan bago ako makalabas ng bahay. Takot akong makita ng iba na walang ayos," saad nito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay para sabay na sila nitong lumakad paakyat ng hagdan. Nakangiti naman siya at sobrang kaba niya sa excitement na makita ang kanyang silid.
Habang paakyat sila ng hagdan feel na feel na niya ang pamumuhay na magkakaroon siya sa loob ng mansyon na iyon. Siya naman ang titingalain ng mga kasambahay na naroon at mag uutos sa mga ito. Magandang buhay ang kapalit ng lahat ng kanyang gagawin.
"Micah sa ngayon sa guest room ka na muna dahil guest kita. Pero syempre once na magawa mo na ang ating misyon automatic na lilipat ka rito sa silid ni Damian," saad ng Ninang niya sa kanya sabay turo sa silid na nakasara. Napangiti siya habang nakatingin sa pintua, saka taas noo na tumingin sa kanyang Ninang para ipakita niyang confident siya na magagawa ang kanilang mga plano.
"Don't worry po Ninang, mangyayari iyan agad pagdating na pagdating ni Damian," buong pagmamalaking saad niya rito.
"Iyan ang gusto ko sa iyo Micah, matapang at palaban. Magkakasundo talaga tayo," saad nito saka na sila nagtuloy sa paglalakad. Muli niyang sinulyapan ang saradong pintuan na siyang magiging daan sa kanyang tagumpay sa buhay.
"Here, ito ang magiging silid mo pansamantala," saad ng Ninang Giselle niya at binuksan ang pintuan.
"Pumasok ka Micah, pinalinis at pinaayos ko pa iyan para sa pagdating mo," saad nito. Ngumiti siya at lumakad papasok sa loob.
Hindi na siya nagulat pa sa kung gaano kaganda ang loob ng silid. Sa laki ba naman ng mansyon ng mga Navarro given na lahat ng silid ay magaganda.
"Ang ganda po Ninang,' saad niya habang ginagala ang mga mata sa kabuuan ng silid.
"Anyway, Micah ngayong nasa loob ka na ng mansyon, dapat lang na masanay ka ng tawagin akong Titang at huwag ng Ninang. Sinabi ko kay Daniel na pamangkin kita kaya Tita ang itawag mo sa akin,' litanya nito. Ang Daniel na binanggit nito ay siyang asawa nito na ama ni Damian ang lalaking aakitin niya soon.
"Don't worry po Tita, madali po akong turuan,' nakangiting tugon niya.
"Good girl," saad nito.
Matapos siyang maihatid ng Ninang niya sa guest room agad na itong nagpaalam sa kanya na mag-aayos na daw para kumain sila sa labas. Sinabi nitong magtatagal ito kaya pwede ba siyang magpahinga habang hinihintay siya.
Paglabas ng Ninang niya nagmamadali siyang tumalon sa kama. Gaya ng inaasahan niya malambot iyon at napakasarap higaan.
"Ganitong kama ang pinapangarap ko. Ganito kalambot ang nababagay sa akin at sa Mommy ko,' saad niya habang nakatingala sa puting kisame na may magandang ilaw.
"Dito ako nababagay,' saad niya.
Wala pa siyang idea kung ano ang itsura ni Damian pero game na game siya sa plano ng Ninang niya. Wala na siyang pakialam sa panlabas na anyo, ang mahalaga sa kanya ay ang kayamanan.