Pinatawag ako ni Mr. Alcazar sa kaniyang opisina na alam ko na agad kung para saan na ito. Kaya naman humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagtungo sa kumpanya namin. Hindi ko na rin tinawagan pa si Carla dahil ayokong madamay pa ito sa gulong nagawa ko. Alam ko nagkakasiyahan ang mga ito ngayon, sino ba naman ako para sirain pa 'yon? Eh halos ngayon lang kami bumabawi sa pagkakalugmok sa buhay. Gosh. Ano ba itong nagawa ko? Pero tama naman ang ginawa ko, 'di ba? Na dapat ang mga babae ay hindi magpapaapi sa mga lalaking bastos at mataas ang tingin sa mga sarili? Kinaya kong makawala sa asawa kong kapon ng kadiliman noon, kahit pa halos kitilin na nito ang buhay ko. Ngayon, kakayanin ko ulit harapin ang delubyong ito ng buhay ko. Kahit anong mangyari, I will survive this. Taa